Aklas laban sa G8 !!!! (poster)
Komunikasyon mula sa:
AID Kolektibo at NoN Collective
Tinig ng Pakiki-Isa
Kalayaan Para sa Tibet
Maalalang ang Tibet ay sinakop ng bansang Tsina sa pangunguna ni Mao Tse Tung matapos nilang maipanalo ang nasyonalistang rebolusyon sa pamamagitan ng digmaang-bayan.
Mukhang sakit talaga ng maka-estadong pag-iisip at pananaw ang pananakop, maraming dahilan ang maaring gamitin ng Komunistang Tsina upang panindigan ang kanilang pag-okupa sa Tibet.
Subalit, kung ang isang bansa ay kumikilala sa kalayaan, pagsasarili o ideya ng demokrasya; kailanman ay hindi ito magdedesisyon upang manakop at mangdahas ng isang bansa o komunidad.
Ang Tibet bago pa man ang pananakop ay nagsasarili, may otonomiya, may sariling-determinasyon, kultura at mga mamamayang pinagbubuklod ng diwa ng pagkakaisa, kapayapaan at pagtutulungan at nabubuhay ayon sa interes ng kanilang ekosistema.
Ngunit ang mahahalagang komponahe para sa kalayaan ay niyurakan ng mga maka-estadong pananaw at ekpansyonistang polisya.
Ang pananakop ng Komunistang Tsina ay dapat na kondenahin ng mga mamamayan at mga institusyong sa daigdig na naniniwala sa diwa ng kalayaan. Walang anumang batayan ang pag-okupa ng Tsina sa Tibet at walang anumang dahilan upang panatilihin pa ng gobyernong Tsina ang kontrol nito sa mga ugnayan at relasyon ng mga mamamayan at mga komunidad sa Tibet.
Makibahagi sa pakikitungali ng Tibet para sa kayang pansariling determinasyon!
Gawin natin ito sa ating mga panasriling pagkukusa sa abot ng ating mga kakayanan!
Atakehin ang hirakiya at ang iba’t-ibang klase ng manipestasyon nito.
Aklas Laban sa G8
Issued by:
NoN Collective & AID Kolektiv
Background
Part of itenerary of G8 Infotour, Ziggy and Kaye, volunteers and comrads from Germany and Japan facilitated a discussion last year (August 2007) held at Sikatuna Village in Quezon City (QC), Philippines.
Quezon City was not part of the original schedule of the team and the local counterparts (AID & NON collectives) were informed only few weeks before the discussion. We had mixed reactions; surprised because why such important activity transmitted late giving us very little time to prepare. However, we were very thankful because anti-authoritarian activists based in QC recognise the importance of this kind activity and other related non-hierarchical undertakings.
The discussions started through sharing of basic facts with regard to G8, discussions of experience by the anti-G8 movements during last year’s (2006) G8 meeting followed andfinally the long and tedious process of contextualisation through percieved impact and effects of G8’s influence at the local level.
—————————————————————–
Since 1975, the leaders of industrialized countries have been conducting annual meetings to discuss matters that affect their interests and dominance in their domestic societies and influence in international affairs. This year, another G8 meeting is scheduled in July to be held in Japan to discuss inter-related topics including climate change, trade, economic relation, energy and terrorism.
While it is true that G8 is not a formal party to any multilateral and regional trade agreements or part of any economic negotiations, its members are influential stakeholders of many super institutions operating at the global scale like UN, WTO, IMF-WB, OECD, NAFTA, CAFTA and others. These rich nations who used to engage in war to attain political and economic dominance are now consistently developing mechanisms to restore world order to reinforce their "collective" rule over the population of the world.
The policies of multilateral, regional and bilateral trade agreements of many nations, is an indications of neo-liberal agenda dominance in the world’s political and economic affairs. G8 does not have any specific project anywhere in the Philippines, but its neo-liberal framework is operating through the said trade institutions, where the Philippine is a signatory.
The archipelagic Philippines, being categorised as a developing nation is only one among poor countries in the Southern and Eastern part of the globe that is plagued by poverty, hunger, war and other forms of structural and physical violence caused by powerlesness and marginalisation.
The government’s economic plan through Medium Term Philippine Development Plan or MTPDP started during Ramos administation is strategically directed towards totally "integrating" local economy to international market. This would mean greater market access of the developed nations to poors countries’ local economy in terms of trade in goods and invesments. The said policy is being pushed under the framework of privatisation where stream of rich but limited natural resources of the world are being controlled and enjoyed by the few through corporations and states.
The MTPDP until now could not provide concrete results in terms of actual conditions in both rural and urban areas. Despite of the propaganda of GMA government, with regards to the economic growth through exchange rate, increase in GNP and BOP and among others, the National Statics Coordinating Board or NSCB reported that there is a 34% percent poverty threshold. Prof. Benedict Lim of Ateneo de Manila, on the other hand noted that there are 35 million Filipino living below poverty line.Ten million people in the archipelago go hungry every year and our country is one of those that have the most number of malnourished children.
Capitalism operates in very complex ways and employs sophisticated processes. G8 is one of its venues and instruments. Whatever the design or tool use by the capitalists and neo-liberals, it needs to reach people and ecosystems to carry out its exploitative agenda.
The influence of the G8 can be best seen in the localities and communities where the most vulnerable population of the world is located. The destruction of the natural environment and exhaustion of the natural resources is basically caused by the economy of scale and competition framework of the mainstream economy, under the leadership of the rich nations particularly of the G8.
The best way to attack the exploitative nature of trade globalization is to confront the actual manifestations of oppression taking place at the local level. For instance, the resistance of various communities in the archipelago on many government policies involving economic activities such as exploration and extraction of the natural gasses, mining and large-scale uses of critical ecosystems are proved to be effective in delaying neo-liberal agenda.
Let us continue to educate ourselves to effectively fight G8 and the capitalist system; let us attack hierarchy directly without intermediaries. Oppression is operating in concrete basis in forms of hunger, illiteracy, homelessness, destruction of natural resources, discrimination and many forms of abuses inflicted to children, women, indigenous groups and others. Utilising our creativitity and resoucefulness, every individual and collectives that collaborates, will surely find meaningful activities directed against the hierarchy while responding to the actual needs of the communities.
As a part of our solidarity to the international struggle against the G8 we are planning to conduct series of events which involves the following activities:
Theme: Aklas Laban sa G8
Education Campaign (May)
Music Compilation a benefit CD for anti-G8 Campaign (!st week of May)
Cultural Events (June)
Solidarity Action (July)
To pursue such activities involves a lot of preparation and resources, in relation to this we are asking support to all concern collectives and individuals. Any support are welcome and greatly appreciated.
Walang tunay na demokrasya kung may Estado!!!!
Ano ang kinalaman ng Demokrasya, sa pang-araw-araw na buhay nating karaniwang mamamayan?Sinasabi na demokrasya ang umiiral na sistema natin sa ngayon. Naniniwala ka ba?
Sabagay, malaya namang nagagawa ng mamamayan ang mga bagay na nais nila; kagaya ng umuwi kahit anong oras o magtungo sa nais na lugar hindi ba? Maari naman magpahayag ng ating mga hinaing at magprotesta kahit madalas ay nauuwi sa pagbuwag sa grupo ng raliyista. Ginagarantiya din ng konstitusyon ang kalayaan sa pagpili ng paniniwala.Bagamat naging normal na kalakaran ang pandaraya; may eleksyon at nakakaboto naman ang mamamayan.Sinasabing ang kalayaan sa media ay isa sa tanda ng demokrasya. Sa katunayan sagad ang kumpetisyon lalo ng 2 higanteng korporasyon sa paligsahan nilang mag-ere ng mga nakabobong palatutunan.Wala ring pumipigil sa sinuman ang nais maghanap ng trabaho. Sa katunayan ay 7 milyon ang walang trabaho at 11 milyong naman ang underemployed o hindi kumikita ng sapat ayon sa kanyang kayang gawin.Sabi ng National Statistics Coordination Board ay nasa 34-36 porsyento ang ang dami ng mamamayan na dumaranas ng kahirapan. Sabihin na nating 36%; ito ay pumapatak na 31 milyong tao mula sa kabuuang populasyon na 86 milyong Filipino. Tsk, tsk, tsk, 31 milyong tao ang nagugutom?Kumbinsido kami na naiintindihan ng malawak na mamamayang Filipino ang ibig sabihin ng salitang kahirapan ito man ay sa kanayunan o sa kalungsuran. Ang mahihirap na komunidad sa siyudad kung saan naroon ang mga manggagawa, kababaihan, mga paslit, matatanda, mga bakla at tomboy, mga vendors, jeepney, traysikel o pedicab driver; mga puta o mga nasa serbisyong seks at sanlaksang mga kabataang hindi kayang mag-aral at walang trabaho at mga walang tirahan ay naiintindihan ang kahirapan.Ang ibig sabihin nito sa pangkalahatan ay: walang seguridad sa pabahay; Ang serbisyong may kinalaman sa pangkalusugan ay mahal gayundin ang tubig at kuryente. Ang serbisyo sa telepono at internet ay luho. Lubog sa utang. Hirap na hirap pagkasyahin ang kinsenas na kita para sa baon ng anak; baon sa trabaho; badyet sa gamot, pagkain, tubig, ilaw at upa. May pang tuition ba sa darating na semestre? O baka naman wala na akong trabaho sa susunod na buwan?Siguradong-siguradong-sigurado po ako na kayang-kayang ipaliwanag at suriin ng mga eksperto ang seryosong kalagayan ng ating bansa sa usapin ng ekonomya at pulitika.Ngunit sa ganang akin po; maari na nating pagsimulan ang mga impormasyon na madaling makuha sa mga organisayong aktibo sa pagpapahayag ng kanilang mga kritisismo katulad ng media, non-government organisation o NGO, politikal na grupo at iba pa.Ang laging sinasabi ay walang sapat na pera para gastusan ang mga programa ng gobyerno na may kinalaman sa serbisyo-publiko tulad ng matinong pabahay; mga eskwelahan, tubig, pangkalusugan, kuryente, pautang at iba pa. Ito ang mga batayang serbisyo na kailangang-kailangan ng napakaraming mamamayan sa buong kapuluan.Sa kabilang banda, ni hindi binabawasan ang ibinabayad sa utang sa IMF-WB at iba pang institusyon. Gayundin, ang pera para sa militar ay napakalaki rin kumpara sa mga panlipunang serbisyo na may kinalaman sa pang-araw-araw na buhay natin at ng ating pamilya.O sige, sabihin na natin na kulang pa rin talaga ang pera upang tustusan ang gastos para sa serbisyo; bakit ang mahihirap na katulad natin ang kukuhaan ng karagdagang salapi? Bakit hindi gawing epektibo ang pagkolekta ng buwis sa malalaking negosyante katulad ni Lucio Tan na daang milyon ang hindi nasisingil at iba pang mayayaman at negosyante? Bakit inalis ang mga taripa ng mga imported na produkto na isa sa pangunahing pinagkukunan ng kita ng pamahalaan? Bakit hindi pigilan ang smuggling na malaking halaga ang malilikom kung masisingil ng sapat ang taripa ng mga produktong iligal na ipinapasok? Bakit kailangang patawan ng panibagong buwis ang mamamayan sa pamamagitan ng E-VAT samantalang mas madalas pa ang rebolusyon sa pagtaas ng suweldo at iba pang batayang benepisyo ng mahihirap na sektor.Natural, kung tayong mga mamamayan ang tatanungin ay hindi natin gusto ang ganitong mga pangyayari. Subalit hindi tayo ang nasusunod. Ang nasusunod ay yaong ilang nasa katungkulan at may kapangyarihan.Ito ba ang demokrasya?Sa tingin ba natin ay ganito ang nais nating makamtan sa pagpapatupad ng demokratikong sistema?Kung kumbinsido kang demokrasya ang umiiral sa kasalukuyan ay wala na tayong dapat pag-usapan. Subalit kung ikaw ay maghahangad ng pagbabago mula sa kasalukuyang sistema ay mahaba pa ang ating talakayan..Napakaiksi po ng ating ispasyo para ituloy, ngunit bago pa matapos ang ating talakayan, sanay magkasundo tayo na sa pagnakalahatan kapag sinabing demokrasya ito ay tumutukoy sa makabuluhang partisipasyon ng mga mamamayan at mga komunidad sa paglikha ng mga desisyon hinggil sa mga bagay na makakaapekto sa kanya. Katulad ng mga nabanggit na; sino sa atin ang kinonsulta sa mga sumusunod na usapin:Pagsali sa World Trade Organisation at mga bilateral na kasunduanPagpilipilit ng vharter changeSa pagpirma sa kasunduan militar sa Estados UnidosSa paglahok natin sa digmaan sa IraqSa pagpasa ng E-VATSa pagbabayad sa trilyong dolyar na utang na hindi naman pinakinabangan ng taong bayanSa pagkakalbo sa mga kagubatan at pagmimina ng mga kabundukan na nagresulta sa pagkamatay ng libo-libong mamayan sa buong bansa at napakarami pa.Sabihin na nating tinanong ka, papayag ka ba? Kung ikaw ay matino mag-isip at makatao; malamang hindi ka papayag, ang tanong may magagawa ka ba?Ang sagot ay wala. Sapagkat ang nagdedesisyon kung ano gagawin ay yaong mga nasa kapangyarihan. Malamang dumaan nga ito sa kongreso at senado subalit ang kongreso ba at senado ay totoong kinatawan ng mamamayan? Kung pagbabatayan natin ang mga naganap at karanasan malamang sabihin mo ang sagot mo ay hindi.Samakatuwid ang kawalan ng demokrasya ay nararamdaman natin sa pang-araw-araw na buhay. Ang klase ng buhay mayroon tayong mahihirap ay resulta lang ng kawalan nating maliliit sa partisipasyon sa pagdedesisyon ng mahahalagang bagay na direktang tumatama sa atin sa araw-araw; sa tuwing tayo ay naglalakad sa mga lansangang hindi tiyak ang ating kaligtasan; kawalan ng hanap-buhay at pagkalugi ng kabuhayan; sa tuwing tayo ay nanonood, nakikinig o nagbabasa ng balita; sa pagsakay ng dyip, traysikel, sa palengke, sa mga mall, sa mga pabrika, upisina at iba pa.
Konpederasyon ng Malalayang Istruktura
Ang mga nakaraang EDSA ay mga pampublikong ehersisyo na iniluwal ng mga perenyal na krisis ng mga kaayusan kung saan sentralisado ang kapangyarihan na lumilikha ng mga pribelehiyo sa iilan habang nagsasaisantabi ng pinakamaraming bilang ng mamamayan sa pagdedesisyon at bahaginan ng benepisyo at yaman ng lipunan.
Kailanman ay hindi naging nuetral ang estado. Sa maraming pagkakataon, instrumento ito ng iilan para protektahan ang kanilang interes. Ang rehimen ni Marcos sampu ng kanyang mga cronies ay walang dudang kinatawan ng elit na nais panatilihin ang sarili sa kapangayarihan sa lantad na puwersahang paraan na ang isa sa mga layon ay makontrol ang pinakamalaking bahagi ng yaman ng lipunan.
Ang administrasyon ni Erap ay isang paksyon ng elit na may malaking impluwensya sa mga mamamayan dahil sa pantasyang nalikha niya sa tulong ng pelikula at media. Ang pantasya niya ay lumikha ng batayang pagkakaisa kung bakit dumagsa sa EDSA pa-Malakanyang ang daang libong lehitimong mahihirap at inaapi sa lipunan at mayoryang mamamayan. .
Ang mga nagdaang EDSA ay dinamismo ng agawan sa kapangyarihan ng mga elit. Ngunit isa sa hindi maitatangging aral na makukuha sa mga ito ay ang kapangyarihan ng mga mamamayan na lumikha ng pagbabago sa pamamagitan ng direktang partisipasyon.
Ang pampulitikang krisis at lumalalang kalagayan ng ekonomya sa kasalukuyan
ay hindi naiiba sa pangkalahatang usapin ng nabanggit na krisis subalit hindi sinasabing isang panibagong EDSA ang kailangan upang magkaroon ng substansyal na pagbabago.
Sa mahabang panahon ang mga mamamayan ay lumalahok sa pampulitikang ehersisyo dahil sa impluwensya ng mga karismatikong lider, mga sentralisadong institusyon at mga pampulitikang istruktura na may hirarkikal na oryentasyon.
Ito ay tipo ng pulitika na hindi nakatuon sa pagpapataas ng kamulatan ng mamamayan. Sa halip, ginagawa nitong pasibo ang mga tao, pinapakilos ang mamamayan dahil sa agenda at interes ng partido, indibidwal at mga elit na grupo.
Ang partisipasyon ng ordinaryong mamamayan ay nalilimita lang sa mga nakagawiang eleksyon. Ang pagiging inaktibo at kawalan ng paglahok sa mga pampulitikang gawain ay lalo namang nagpapalawak ng burukrasya at nagpapaigting ng sentralisasyon upang umano’y mas maging episyente. Ang mga pulitiko ay naging propesyunal sa halip na prinsipyo at interes ng publiko, kadalasan, ang kanilang motibasyon ay nakabatay sa pansariling interes at pagsekyur ng propesyon o carreer.
Ang Direct Democracy
Ito ay isang alternatibong tipo ng pulitika na maaring mamaksimisa sa pagsusulong ng panlipunang pagbabago. Ito ay nakabatay sa mga ekstraparlimentaryong mga indipindyenteng organisasyon sa mga komunidad, mga organisasyong hindi nakaugnay sa anumang partido at estado.
Ang mga mamamamayan (kabataan, kababaihan, senior citizen, manggagawa, magsasaka, mangingisda at iba pang marhinalisadong sektor sa serbisyo at iba pa) ay magkikita at maghaharap-harap sa publiko upang pag-usapan ang mga kinakaharap na isyu. Magaganap ito sa pamamagitan ng mga popular at lokal na malalayang pormasyon kagaya ng mga pulong baranggay, assembliya, asosasyon, organisasyon, kooperatiba, religious group, counterculture na mga grupo, mga advocates at iba pa. Ang kalikasan ng mga pormasyong ito ay hindi upang magpakilos ng tao para igiit ang mga interes at agenda ng aumang eksternal na pormasyon. Nakabatay ito sa pulitika ng mga pamayanan na ang proseso ay edukasyon ayon sa mga aktwal na pangangailangan at kundisyon. Ang layon nito ay hindi upang makuha ang pampulitikang kapangayarihang sa halip ay pagsasakapangyarihan sa mga marhinalisadong mamamayan.
Ito’y naglalayong makalikha ng pampulitikang pormasyon at makabuluhang maimpluwensyahan ang pampublikong opinyon para sa bisyon ng prosperidad na ang benepisyo ay pinakikinabangan ng lipunan. Samakatuwid walang sinuman ang nagugutom. Ang lahat ay may akses sa mga panlipunang serbisyo gaya ng kalusugan, pabahay, edukasyon, tubig, kuryente at transportasyon. Ang likas-yaman ay angkop ang utilisasyon at nakabatay sa likas-kayang prinsipyo. Ang bawat mamamayan ay direkta at makabuluhang nakakalahok sa pagsasagawa ng mga polisiyang nakaayon sa pangangailangan ng mga komunidad, pabrika, industriya, agrikultura at iba pang istruktura ng lipunan.
Ang pulitikang ito ay itatag hindi sa impluwensya ng pulitika ng partido at estado; ito ay pulitika na malayang malalahukan at naiintindihan ng mamamayan at sila ay boluntaryong umaako ng mga responsibilidad.
Kailangan ba talagang I-sentralisa ang Kapangyarihan?
Hanggang sa kasalukuyan ay napakapopular ng malawakang pag-go-gobyerno sa porma ng napakasentralisadong organisasyon na pinatatakbo sa pamamagitan ng mga istrikto at sekular na mga burukrasya na kadalasang pinapatupad ng mga kinatawan at ng mga nanalo sa eleksyon.
Hindi maikakaila sa kasaysayan ang karahasan, panggigipit at panunupil ng mga pamahalaan sa mga mamamayan magmula ng maitatag ang sentrong pamahalaan sa pananakop ng Kastila. At nag-uumapaw ang datus hinggil sa pag-iral ng hindi pantay distribusyon ng yaman na pinapatupad at pinapatatag ng estado. Mas maige pa bago dumating ang mga Kastila; ayon kay Pigaffeta, tagatala ni Magellan. Ang inabutan nilang mga pamayanan ng katutubo ay malulusog, walang may kapansanan at nagugutom. Maaring hindi perpekto ang kalagayan, subalit mas mainam ang panahong yaon kumpara sa ngayon na halos nasa 50 porsyento ang bilang na mga mamamayan na dumaranas ng kahirapan sa iba’t-ibang dimensyon nito.
Huwag gamiting argumento ang paglobo ng populasyon para patatagin ang kahirapan. Ang estadiska ay makakatulong para matukoy kung gaano kalabis ang pag-aari at yaman ng iilang pamilya at kung gaano katalamak ang kahirapan ng maraming mamamayan. Ang produksyon ng cereal ay tumaas ng 12 porsyento noong 1975, sapat upang magbawas ng importasyon ang Bangladesh ng signipikanteng porsyento. Ang kanlurang Asya naman sa kabilang banda ay binaha ng mais mula sa Tsina. Maging ang disyerto sa Saudi Arabia ay nagkapagbebenta ng wheat; dahil sa labis na produksyon sa Finland, ang wheat ay ginagawang glue. Ang produksyon ng India ng grain ay na-triple sa pagitan noong 1950 at 1984, ang suliranin nila ay hindi paglobo ng populasyon kundi transportasyon upang maibyahe ang mga produkto mula sa mga lugar na labis ang produksyon patungo sa mga kapos — ito ang pangunahing naging dahilan ng kagutuman sa naturang bansa.
Mahalagang banggatin na ang isyu sa World Trade Organisation ng pagtatambak ng produkto ay manipestasyon ng labis na produksyon at hindi populasyon. Ang suliranin ay kung paano ibabahagi ang yaman ng mga lipunan sa mga napakalaking bahagi ng populasyon ng daigdig.
Matagal na panahon na ring namaliit ang kakayahan ng mga mamamayan na patakbuhin ang kanilang mga sariling ugnayan. Maraming karanasan ang magpapatunay na kayang organisahin ng mga produktibong uri at sektor ang kanilang mga gawain at ugnayan upang makalikha ng pangangailangan ng lipunan.
Ang boluntaryo at malalayang asosasyon ng mga pamayanan, syudad, citizen assembly na naka-konpedera mula sa lokal, rehiyon at hanggang sa kontinental ay may mga modelo at isinapraktika sa Espanya ng mga Comuneros noong ika-16 na siglo at ang kilusan ng "American town meeting" na umabot sa New England hanggang sa Charleston noong 1770s. Gayundin ang "Parisian sectional assembly" noong unang bahagi ng 1790s na naulit sa Paris Commune noong 1871 at hanggang sa Madrid Citizens’ Movement noong 1960s at unang bahagi ng 1970s.
Totoong napakahirap isiping ganap na idesentralisa ang pampulitikang kapangyarihan lalo’t sa kalagayang ang mga tradisyunal na pulitiko ay tiyak na manamantala. Sabagay, kahit na anong pampulitikang kaayusan ang gawin ay tiyak na magsasamantala ang mga trapo sapagkat ito ay kaangkinan niya. Ganap lang namalulusaw ang trapo kung wala nang tumangkilik sa kanya. Samakatuwid ito ay nakabatay pa rin sa kamulatan ng mga tao.
May ilang mga iskolar ang nagbabanggit na nakaigpaw na raw sa "patronage politics" ang mamamayan, nalampasan na rin halos ang "fantasy politics" na maiuugnay umano sa pagbaba ng popularidad ng mga personalidad sa showbiz at media. Kung totoo na ganito ang kalagayan higit na pagkakataon ito upang isulong ang direct democracy para mapabilis ang pagbabago ng mga istruktura ng lipunan.
Ang tagumpay ng desentralisasyon ay nakabatay sa antas ng kakayahan ng mga mamamayan. Hindi ito kagyat na magaganap katulad kung paano inilulugar ang Transition Revolutionary Government (TRG) ng Laban ng Masa.
Ang pulitika para sa pagsasapraktika ng direct democracy ay proseso ng pag-eeduka sa mamamayan. Sa paglawak ng kapasidad ng mamamayan ay siya namang pagbawas sa hegemonya ng mga institusyong nagsesentralisa ng kapangyarihan. Ito ang magsasakapangyarihan sa mga malalaya at boluntaryong pormasyon sa mga pamayanan at batayang komunidad na magko-konpedera mula sa lokal patungong rehiyon na nakabatay sa balangkas ng mutwal na kooperasyon at ganap na pagkakaisa.
Ano ang pagkakaiba ng Delegado sa Representasyon ng kasalukuyang mga hirarkikal na organisasyon?
Ideyal na maisangkot ang lahat ng mga kasapi sa mga usaping pang-organisasyon na may kinalaman sa paglikha ng mga pampublikong polisiya.
Subalit dahil sa mga praktikal na usapin may pangangailangan na magtalaga ng mga delegado na magiging kinatawan ng organisasyon sa mas malalawak na antas ng pagdedesisyon para sa pagseseguro ng mutwal na kooperasyon sa antas ng baranggay, munisipyo, probinsya at rehiyon.
Ang "popular assemblies" ay isa sa mga klasikal na kaisipang anarkismo para sa pag-uugnay-ugnay ng mga gawain sa pamamagitan ng mga "recallable" na delegado. Wala silang ispesyal na pribelehiyo ngunit may mandato na maging kinatawan ng kanilang kinabibilangang organisasyon. Ang pangunahing responsibilidad ay makisangkot sa mas malawak na antas batay sa mga pinagkasunduan ng mga kasapi. Ang pagsasagawa ng desisyon ay nanatili sa mga assembliya.
Kumpara sa kasalukuyang konsepto ng representative na may kakayahang gumawa ng pagpapasya at may otoridad sa ibang tao o sa kanyang mga botante.
Ang sistema ng konpederasyon ay pag-o-organisa ng mga kinakailangang bagay mula sa lokal o ibaba pataas. Sa halip na mula sa itaas pababa, desentralisado ang konpederasyon at ang mga network subalit mahigpit na pinag-uugnay ng para sa kanilang mga mutwal na interes na ang bisyon ay para pagbuhog ng lipunang malaya, pantay-pantay, sagana at likas-kaya.
Get free blog up and running in minutes with Blogsome
Theme designed by Helga Cleve