E-VAT-O ang E-VAT!!!
E-VAT-O ang E-VAT!!!
Alisin ang E-VAT! Alisin ang lahat ng buwis sa mga batayang bilihin ng mamamayan.
Ano ang E-VAT?
Ito ay ang 10% karagdagang buwis na ipapataw sa propesyonal fees (katulad ng bayad sa doktor) at 12% sa mga naprosesong produkto.
Samakatuwid, ang patuloy na pagtaas ng mga batayang bilihin ng mga mamamayan dahil sa sa pagtaas ng presyo ng langis sa pandaidigang merkado ay madadagdagan pa dahil sa E-VAT.
Sa pagtaya ng Department of Energy (DoE), ang presyo ng mga produktong petrolyo ay tataas: ang diesel ay tataas ng 55 sentimo kada litro. Ang unleaded na gasolina ay 2 piso at 60 sentimo habang ang regular na gasolina ay 2 piso at 01 sentimo kada litro. Ang gaas ay 55 sentimo kada litro at ang liquified petroluem gas (LPG) ay tataas ng 29 piso at 87 bawat 11 kilo.
Ayon sa Manila Electric Company (Meralco) ang presyo ng kuryente ay tataas ng 80.56 sentimo bawat kilowatt-hour batay sa billing noong Abril. Samamatuwid, ang karaniwang pamilya na komukunsumo ng 200 kWh ng kuryente bawat buwan ay magbabayad ng P1,622.26.
Epekto nito? lalo pang tataas ang presyo ng mga pangunahing produktong binibili ng mamamayan gaya ng sardinas, instant noodles, gamot at iba pa. Gayundin tataas ang pamasahe, kuryente at bayad sa mga propesyunal katulad ng duktor.
Kaugnay nito, hindi naman tumataas ang suweldo habang hindi naman umaabot sa malawak na mamamayan ang panlipunang serbisyo kung mayroon man.
Alisin ang E-VAT! Alisin ang lahat ng buwis sa mga batayang bilihin ng mamamayan. sa halip singilin ang mga kapitalista, elitista at mayayamang labis sa luho ang pamumuhay.
Ang EVAT ay manipestasyon lamang ng kung anong klaseng kaayusan panlipunan mayroon tayo, kung saan ang kapangyarihang magdesisyon para sa karaniwang mamamayan sa kanilang araw-araw na buhay ay wala sa kanilang mga kamay, bagkus nasa kontrol ng mga politiko, elitista, estado, merkado at iba pang mga corrupt na institusyon.