November 4, 2006

Walang tunay na demokrasya kung may Estado!!!!

Filed under: Uncategorized

Walang tunay na demokrasya kung may Estado!!!!
Ano ang kinalaman ng Demokrasya, sa pang-araw-araw na buhay nating karaniwang mamamayan?Sinasabi na demokrasya ang umiiral na sistema natin sa ngayon. Naniniwala ka ba?
Sabagay, malaya namang nagagawa ng mamamayan ang mga bagay na nais nila; kagaya ng umuwi kahit anong oras o magtungo sa nais na lugar hindi ba? Maari naman magpahayag ng ating mga hinaing at magprotesta kahit madalas ay nauuwi sa pagbuwag sa grupo ng raliyista. Ginagarantiya din ng konstitusyon ang kalayaan sa pagpili ng paniniwala.Bagamat naging normal na kalakaran ang pandaraya; may eleksyon at nakakaboto naman ang mamamayan.Sinasabing ang kalayaan sa media ay isa sa tanda ng demokrasya. Sa katunayan sagad ang kumpetisyon lalo ng 2 higanteng korporasyon sa paligsahan nilang mag-ere ng mga nakabobong palatutunan.Wala ring pumipigil sa sinuman ang nais maghanap ng trabaho. Sa katunayan ay 7 milyon ang walang trabaho at 11 milyong naman ang underemployed o hindi kumikita ng sapat ayon sa kanyang kayang gawin.Sabi ng National Statistics Coordination Board ay nasa 34-36 porsyento ang ang dami ng mamamayan na dumaranas ng kahirapan. Sabihin na nating 36%; ito ay pumapatak na 31 milyong tao mula sa kabuuang populasyon na 86 milyong Filipino. Tsk, tsk, tsk, 31 milyong tao ang nagugutom?Kumbinsido kami na naiintindihan ng malawak na mamamayang Filipino ang ibig sabihin ng salitang kahirapan ito man ay sa kanayunan o sa kalungsuran. Ang mahihirap na komunidad sa siyudad kung saan naroon ang mga manggagawa, kababaihan, mga paslit, matatanda, mga bakla at tomboy, mga vendors, jeepney, traysikel o pedicab driver; mga puta o mga nasa serbisyong seks at sanlaksang mga kabataang hindi kayang mag-aral at walang trabaho at mga walang tirahan ay naiintindihan ang kahirapan.Ang ibig sabihin nito sa pangkalahatan ay: walang seguridad sa pabahay; Ang serbisyong may kinalaman sa pangkalusugan ay mahal gayundin ang tubig at kuryente. Ang serbisyo sa telepono at internet ay luho. Lubog sa utang. Hirap na hirap pagkasyahin ang kinsenas na kita para sa baon ng anak; baon sa trabaho; badyet sa gamot, pagkain, tubig, ilaw at upa. May pang tuition ba sa darating na semestre? O baka naman wala na akong trabaho sa susunod na buwan?Siguradong-siguradong-sigurado po ako na kayang-kayang ipaliwanag at suriin ng mga eksperto ang seryosong kalagayan ng ating bansa sa usapin ng ekonomya at pulitika.Ngunit sa ganang akin po; maari na nating pagsimulan ang mga impormasyon na madaling makuha sa mga organisayong aktibo sa pagpapahayag ng kanilang mga kritisismo katulad ng media, non-government organisation o NGO, politikal na grupo at iba pa.Ang laging sinasabi ay walang sapat na pera para gastusan ang mga programa ng gobyerno na may kinalaman sa serbisyo-publiko tulad ng matinong pabahay; mga eskwelahan, tubig, pangkalusugan, kuryente, pautang at iba pa. Ito ang mga batayang serbisyo na kailangang-kailangan ng napakaraming mamamayan sa buong kapuluan.Sa kabilang banda, ni hindi binabawasan ang ibinabayad sa utang sa IMF-WB at iba pang institusyon. Gayundin, ang pera para sa militar ay napakalaki rin kumpara sa mga panlipunang serbisyo na may kinalaman sa pang-araw-araw na buhay natin at ng ating pamilya.O sige, sabihin na natin na kulang pa rin talaga ang pera upang tustusan ang gastos para sa serbisyo; bakit ang mahihirap na katulad natin ang kukuhaan ng karagdagang salapi? Bakit hindi gawing epektibo ang pagkolekta ng buwis sa malalaking negosyante katulad ni Lucio Tan na daang milyon ang hindi nasisingil at iba pang mayayaman at negosyante? Bakit inalis ang mga taripa ng mga imported na produkto na isa sa pangunahing pinagkukunan ng kita ng pamahalaan? Bakit hindi pigilan ang smuggling na malaking halaga ang malilikom kung masisingil ng sapat ang taripa ng mga produktong iligal na ipinapasok? Bakit kailangang patawan ng panibagong buwis ang mamamayan sa pamamagitan ng E-VAT samantalang mas madalas pa ang rebolusyon sa pagtaas ng suweldo at iba pang batayang benepisyo ng mahihirap na sektor.Natural, kung tayong mga mamamayan ang tatanungin ay hindi natin gusto ang ganitong mga pangyayari. Subalit hindi tayo ang nasusunod. Ang nasusunod ay yaong ilang nasa katungkulan at may kapangyarihan.Ito ba ang demokrasya?Sa tingin ba natin ay ganito ang nais nating makamtan sa pagpapatupad ng demokratikong sistema?Kung kumbinsido kang demokrasya ang umiiral sa kasalukuyan ay wala na tayong dapat pag-usapan. Subalit kung ikaw ay maghahangad ng pagbabago mula sa kasalukuyang sistema ay mahaba pa ang ating talakayan..Napakaiksi po ng ating ispasyo para ituloy, ngunit bago pa matapos ang ating talakayan, sanay magkasundo tayo na sa pagnakalahatan kapag sinabing demokrasya ito ay tumutukoy sa makabuluhang partisipasyon ng mga mamamayan at mga komunidad sa paglikha ng mga desisyon hinggil sa mga bagay na makakaapekto sa kanya. Katulad ng mga nabanggit na; sino sa atin ang kinonsulta sa mga sumusunod na usapin:Pagsali sa World Trade Organisation at mga bilateral na kasunduanPagpilipilit ng vharter changeSa pagpirma sa kasunduan militar sa Estados UnidosSa paglahok natin sa digmaan sa IraqSa pagpasa ng E-VATSa pagbabayad sa trilyong dolyar na utang na hindi naman pinakinabangan ng taong bayanSa pagkakalbo sa mga kagubatan at pagmimina ng mga kabundukan na nagresulta sa pagkamatay ng libo-libong mamayan sa buong bansa at napakarami pa.Sabihin na nating tinanong ka, papayag ka ba? Kung ikaw ay matino mag-isip at makatao; malamang hindi ka papayag, ang tanong may magagawa ka ba?Ang sagot ay wala. Sapagkat ang nagdedesisyon kung ano gagawin ay yaong mga nasa kapangyarihan. Malamang dumaan nga ito sa kongreso at senado subalit ang kongreso ba at senado ay totoong kinatawan ng mamamayan? Kung pagbabatayan natin ang mga naganap at karanasan malamang sabihin mo ang sagot mo ay hindi.Samakatuwid ang kawalan ng demokrasya ay nararamdaman natin sa pang-araw-araw na buhay. Ang klase ng buhay mayroon tayong mahihirap ay resulta lang ng kawalan nating maliliit sa partisipasyon sa pagdedesisyon ng mahahalagang bagay na direktang tumatama sa atin sa araw-araw; sa tuwing tayo ay naglalakad sa mga lansangang hindi tiyak ang ating kaligtasan; kawalan ng hanap-buhay at pagkalugi ng kabuhayan; sa tuwing tayo ay nanonood, nakikinig o nagbabasa ng balita; sa pagsakay ng dyip, traysikel, sa palengke, sa mga mall, sa mga pabrika, upisina at iba pa.

Comments »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post.

Leave a comment

Line and paragraph breaks automatic, e-mail address never displayed, HTML allowed: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <code> <em> <i> <strike> <strong>



Anti-spam measure: please retype the above text into the box provided.






















Get free blog up and running in minutes with Blogsome
Theme designed by Helga Cleve