November 6, 2006

Film showing..

Filed under: Uncategorized

Synopsis

 
Occupy! Resist! and Produce!
 
Noong late 1990s nakaranas ng economic recession o paghina ng ekonomya ang mga bansa sa rehiyon ng timog-silangang Asya. Ang pang-ekonomikong krisis na ito ay umabot din sa mga ekonomya ng mga bansa sa Latin Amerika at isa ang Argentina sa nakaranas ng malupit na epekto nito.
 
Katulad ng karaniwang kwento ng mga pang-ekonomyang krisis, ang maliit na sektor at karaniwang mamamayan ang pangunahing nakakadama ng masamang epekto. Inilabas ng mga dayuhang mamumuhunan ang kanilang mga kapital at bunga nito, nagipit ang mga bangko. Nawalan sila ng sapat na salapi para sa mga mamamayan ng Argentina —- mula middle class pababa.
 
Sa kasagsagan ng krisis na ito may ibang kaganapan sa hanay ng manggagawa. Nagdekalara ng buncraptcy ang maraming pabrika at indusrtiya at  sa pagsasara ng mga ito, libo-libong manggagawa ang nawalan ng trabaho at lalo pang tumindi ang kahirapan.  Noon nagpasya ang mga manggagawa na muling patakbuhin ang mga industriya batay sa kanilang sariling kakayahan.
 
Sa paggamit ng ligal na mekanismo nagawa nila na direktang pangasiwaan ang mga pabrika ng walang mga boss at may mga karanasang ding ganap na inaalis ang herarkiya sa loob ng produksyon. May mga karanasan na binuo ang mga workers’ assembly isang tao isang boto at pare-pareho ang sweldo ng lahat ng mga manggagawa. Hindi rin maitatawa ang makabuluhang karanasan ng mga kababaihan sa garment na direktang nangasiwa ng kanilang ugnayan na hindi nakabatay sa herarkiya.   
 
Ang karanasang ito ay konsistent sa kung paano ini-imagine ng mga anarcho-syndicalist ang ideya ng workers’ control katulad kung ano mga naganap sa Paris noong 1871; sa Russia noong unang bahagi ng 1917 Revolution, sa Espanya noong kasagsagan ng digmaang sibil noong 1930s; sa Pransya noong 1960s at marami pang ibang karanasan na makapagpapatunay sa pagiging viable at pagiging aplikable ng direktang pangangasiwa ng sarili nilang ugnaya maging sa komunidad man, sa pabrika o sa agrikultura. 

 






















Get free blog up and running in minutes with Blogsome
Theme designed by Helga Cleve