April 18, 2008

Aklas Laban sa G8 - Discussion

Filed under: Uncategorized

April 10, 2008

Tinig ng Pakiki-Isa: KALAYAAN PARA SA TIBET!!

Filed under: Uncategorized

Komunikasyon mula sa:

AID Kolektibo at NoN Collective

 

Tinig ng Pakiki-Isa

Kalayaan Para sa Tibet

Maalalang ang Tibet ay sinakop ng bansang Tsina sa pangunguna ni Mao Tse Tung matapos nilang maipanalo ang nasyonalistang rebolusyon sa pamamagitan ng digmaang-bayan.

 

Mukhang sakit talaga ng maka-estadong pag-iisip at pananaw ang pananakop, maraming dahilan ang maaring gamitin ng Komunistang Tsina upang panindigan ang kanilang pag-okupa sa Tibet.

 

Subalit, kung ang isang bansa ay kumikilala sa kalayaan, pagsasarili o ideya ng demokrasya; kailanman ay hindi ito magdedesisyon upang manakop at mangdahas ng isang bansa o komunidad.

 

Ang  Tibet bago pa man ang pananakop ay nagsasarili, may otonomiya, may sariling-determinasyon, kultura at mga mamamayang pinagbubuklod ng diwa ng pagkakaisa, kapayapaan at pagtutulungan at nabubuhay ayon sa interes ng kanilang ekosistema.

Ngunit ang mahahalagang komponahe para sa kalayaan ay niyurakan ng mga maka-estadong pananaw at ekpansyonistang polisya.

 

Ang pananakop ng Komunistang Tsina ay dapat na kondenahin ng mga mamamayan at mga institusyong sa daigdig na naniniwala sa diwa ng kalayaan. Walang anumang batayan ang pag-okupa ng Tsina sa Tibet at walang anumang dahilan upang panatilihin pa ng gobyernong Tsina ang kontrol nito sa mga ugnayan at relasyon ng mga mamamayan at mga komunidad sa Tibet.

 

Makibahagi sa pakikitungali ng Tibet para sa kayang pansariling determinasyon!

Gawin natin ito sa ating mga panasriling pagkukusa sa abot ng ating mga kakayanan!

Atakehin ang hirakiya at ang iba’t-ibang klase ng manipestasyon nito. 

   






















Get free blog up and running in minutes with Blogsome
Theme designed by Helga Cleve